MOA

MOA SIGNING

May 15, 2024 People's Tonight 71 views

Nilagdaan nina Antipolo City Mayor Jun Ynares at Roel de Haas, Global Education Strategist ng Benetech ang isang Memorandum of Agreement para sa Bookshare Project, ang pinakamalaking library ng mga e-books sa mundo para sa mga taong hirap makapagbasa.

Layunin ng proyekto na isulong ang inclusive education sa pamamagitan ng pagtulong sa mga print-disabled individuals o hindi makapagpabasa ng regular na libro sa pamamagitan ng digital technology.

Ang kasunduan ay sinaksihan din nina US-based Benetech Vice President for Programs Lisa Wadors, Outreach Coordinator Aggie Angeles, National Library of the Philippines Asst. Dir. Eduardo Quiroz at Deped Antipolo SDS Dr. Flandez.

Dumalo din ang mga city at barangay officials, Deped Antipolo, mga local librarians sa lalawigan ng Rizal, at mga project beneficiaries kabilang ang differently abled children (PWDs) na hirap sa pagbabasa dahil sa iba’t-ibang kapansanan katulad ng pagkabulag, lumalabong paningin, dyslexia, may cerebral palsy, atbp.

AUTHOR PROFILE