Liza

Liza, pinagbawalang gumamit ng X

February 14, 2024 Vinia Vivar 111 views

Pinagbawalan pala ng Careless Management si Liza Soberano na magbasa o gumamit ng X (dating Twitter). Kaya nawala siyang bigla sa nasabing social media platform.

Inamin ito ni Liza sa sa isang podcast.

“My new management actually banned me from using Twitter because at a young age, and I didn’t know this, growing up, I would read hate tweets and then I thought that I would handle them very well,” kwento ng aktres.

Akala niya ay hindi siya maaapektuhan ng mga sinasabi ng mga tao pero nagkamali siya.

“I realized over time as I got older what I was actually doing is I would read the hate tweets and little by little, I would change for people and I didn’t even recognize that,” sey ng aktres.

“I didn’t know that I was conforming to what other people wanted from me. I thought that I was just improving myself,” dagdag pa niya.

Dati kasi ay gustung-gusto niyang nagbabasa ng mga hate comment tungkol sa kanya.

“I don’t know why, I have this unhealthy obsession with reading hate tweets about myself,” sey pa niya.

Gusto umano niyang malaman kung ano ang iniisip ng ibang tao sa kanya o kung proud ba ang mga ito sa kanya o kung ano ang masasabi ng mga ito sa kanyang trabaho.

Matatandaan na a few years ago ay very active si Liza sa Twitter at panay ang post ng kanyang nararamdaman o mga opinyon sa mga bagay-bagay.

Pero dahil din dito kaya siya nabash-bash nang bongga ng mga netizen.

AUTHOR PROFILE