Vic Reyes

Salamat, PBBM!

May 15, 2024 Vic Reyes 125 views

IT is public knowledge na talagang masama sa kalusugan ng tao ang paninigarilyo at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

Ang masakit nito, mga kaibigan, eh ang mga produktong ito pa ang madalas na nababalitaang iligal na ipinapasok sa bansa.

Mabuti na lang at lalo pang pinapaigting ng gobyerno ang nationwide campaign laban sa ismagling ng illegal drugs at sigarilyo.

Bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ay laging alerto ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa buong bansa.

Alam ng mga tauhan ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na highly-enterprising ang mga iligalista sa mga pantalan.

Pero highly-trained rin ang mga taga-BOC para masawata ang pagpasok ng mga ipinagbabawal na gamot at sigarilyo, kasama na ang mga peke.

Pinatunayan na naman ito ng mga tauhan ng Manila International Container Port (MICP), na pinamumunuan ni District Collector Carmelita “Mimel” Manahan-Talusan, noong Mayo 13.

Nasabat nila ang tatlong container na naglalaman ng illicit cigarettes na nanggaling ng Singapore.

Naka-consigned sa Burias Jan Consumer Goods Trading, ang illicit cigarettes ay nagkakahalaga ng mahigit P791 milyon.

Naglabas kaagad si Collector Talusan ng alert order laban sa shipment pagkatapos na makatanggap siya ng derogatory information mula sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).

At noon ngang Mayo 13 ay isinailalim ang shipment sa isang spot-check examination sa Designated Examination Area (DEA) ng MICP.

Ang eksaminasyon ay sinaksihan ng CIIS, Enforcement and Security Service, Customs Anti-Illegal Drug Task Force at Philippine Drug Enforcement Agency.

Ang bawat container ay naglalaman ng 1,756 master cases ng iba’t-ibang brands ng mga sigarilyo kagaya ng Golden, Bind at Double Happiness.

Sa tingin ng marami nating kababayan ay talagang nagtatrabaho ng husto ang mga taga-BOC para pangalagaan ang kalusugan natin.

Kung nakalusot ang mga illicit na sigarilyo ay maraming kababayan natin ang magkakasakit na maari pa nilang ikamatay.

Hindi biro ang dami ng mga nasakoteng illicit cigarettes.

Sana mabigyan pa ng mga makabagong kagamitan ang mga naka-assign sa ibat-ibang collection districts para lalo nilang magampanan ang kani-kanilang trabaho.

At regular silang mag-undergo ng training on detecting smuggled goods.

Kailangan nila ito dahil pa-bago-bago rin ang modus operandi ng mga taong nasa likod ng illegal entry ng imported goods sa bansa.

Tama ba kami, Commissioner Rubio?

***

It’s Christmas in May.

Ito ang nagkaisang sabi ng mga opisyal at kawani ng gobyerno nang matanggap nila kahapon (May 15) ang kanilang mid-year bonus.

Ang mid-year bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay ng mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno.

Hindi lang mga regular employees ang puwedeng tumanggap ng mid-year bonus.

Ayon sa report, pati mga casual at contractual na empleydo ay makakatanggap din ng bonus.

Malaking tulong ito, lalo na sa mga mahihirap na kawani ng gobyerno dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin ngayon.

Isa pa, parating na ang graduation ng mga bata sa elementary at high school.

Ang klase sa mga pampublikong paaralan ay matatapos sa May 29.

Timely talaga ang pagbibigay ng mid-year bonus sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Salamat po, Pangulong Ferdinand “Bongbong ” R. Marcos Jr.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan)

AUTHOR PROFILE