Revilla

Sen. Bong, anak ready umakda ng batas para sa incentives sa govt force multipliers

May 26, 2024 Edd Reyes 109 views

TINIYAK ni Agimat Partylist Rep. Bryan Revilla na handa siya at amang si Sen. Ramong “Bong” Revilla, Jr. na umakda ng batas na magbibigay insentibo sa mga opisyal at miyembro ng mga volunteer force multiplier na tutugon sa mga sakuna at kalamidad.

Sa kanyang talumpati sa ika-11-taong anibersaryo ng Public Assistance for Rescue, Disaster, and Support Service (PARDSS) Foundation International Inc. bilang kinatawan ng ama, hinimok ng kongresista si Arcie Fabon, pangulo at tagapagtatag ng grupo at kanyang mga opisyales at miyembro, na magmungkahi kung anong tulong ang puwedeng maipagkaloob ng pamahalaan sa kanila

Sinabi ng batang Revilla na saludo sila sa dedikasyon ng PARDSS FII at iba pang force multiplier sa pagtulong sa bayan ng walang inaasahang kabayaran.

Binubuo ang PARDSS FII ng mga sektor mula sa iba’t-ibang rehiyon na handang tumulong bilang mga force multiplier ng mga ahensiya ng pamahalaan at tumutugon sa mga nagaganap na sakuna, kalamidad at nagaganap na krimen.

Ayon kay Cong. Bryan Revilla, ngayong papasok na ang tag-ulan, inaasahang maraming mamamayan ang maaapektuhan ng mga baha, landslide at iba pang sakuna.

AUTHOR PROFILE