Default Thumbnail

Dayo nag-amok sa pista ng Itim na Nazareno, timbog

January 11, 2023 Jonjon Reyes 233 views

NAGING matagumpay ang pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno, maliban lamang sa pag-amok umano ng isang 18-anyos na kaanib ng Batang City Jail (BCJ) na dayo sa lugar at insidente ng pagnanakaw ng bisikleta sa Quiapo, Maynila.

Unang naireport ang paghahamon umano ng away ng kaanib ng BCJ na residente ng Barangay 581 Maceda Street, Sampaloc, Manila.

Ang suspect ay armado ng patalim na may habang 10 pulgada at naghasik ng umano ng lagim sa gitna ng Caromina St. malapit sa panulukan ng Soler Extention bandang 10:15 p.m.

Ayon sa ulat nina Police Corporal Nasrudin Mandal at Police Corporal Mark Henry Babida, kapwa nakatalaga sa Manila Police District – Barbosa Police Station 14,nagsasagawa sila ng police visibility sa lugar nang may nakarating sa kanilang balita ng lalaking may bitbit ang patalim at nagsisisigaw sa kalye.

Dito na naaktuhan ng dalawa ang suspek na kanila sinita at pinosasan.

Kasong paglabag sa Article 155 ng Revised Penal Code (alarm and scandal), at B.P. 6 (illegal possession of deadly weapon) ang kahaharapin ng suspek.

Isa ring dayo sa lugar ang inaresto ng mga operatiba ng Carlos Palanca- Police Community Precinct sa pamumuno ni Police Capt. Fredwin Sernio habang nagsasagawa naman sila ng patrolling operation

Nakilala ang suspek na si John Emmanuel Sacramento, alyas ” Maui”, binata, ng Abellas Compound Mabini J. Rizal, Mandaluyong City.

Batay sa ulat ng pulisya, pasado alas 9:33 a.m. ng Enero 10 nang mamataan si Sacramento na tangay umano ang bisekleta na pag-aari ni Marvin Meren, 43, ng Cruzada Street, Barangay 389, Zone 40, Quiapo.

Ayon kina PCpl. Paul Pouis Padre Juan at Patrolman Roggie Ravanilla , kapwa sila nagpapatrulya lulan ng motorsiklo sa area ng Quiapo, nang humingi ng tulong ang biktima.

Nakorner ang suspek sa may San Sebastian Church at narecover ang mountain bike na bitbit nito.

Ang dalawang suspek ay dinala sa Justice Jose Abad Santos General Hospital para sa physical examination bago itinurn over sa presinto.

Nag-paabot ng pag bati at pasasalamat si MPD Director PBGen. Andre P. Dizon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas at sa mga tauhan nito dahil sa ginagawa nilang pagbabantay sa kanilang nasasakupang lugar sa Quiapo at Sta Cruz, Manila.

AUTHOR PROFILE