Lacuna Nagpasalamat si Manila Police District (MPD) Director Andre P. Dizon kay Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa suporta at tulong ng iba’t-ibang ahensiya ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila, pamahalaang nasyonal at buong MPD sa pagbibigay seguridad sa Pista ng Itim na Nazareno ngayong taon. Kuha ni Jon-jon Reyes

Higit 1M deboto inalalayan ng MPD sa pagdiriwang ng Pista ng Nazareno

January 10, 2023 Jonjon Reyes 285 views

TINATAYANG nasa mahigit isang milyong deboto ang nakiisa at nagtungo sa limang araw na pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church sa Quezon Boulevard, Lungsod ng Maynila.

Base na rin sa bagong naitala ng Simbahan ng Quiapo Operation Center, kung saan kabuuang 1,268,435 ang mga nagtungo para dumalo sa mga aktibidad.

Sa simbahan ng Quaipo ay umabot sa 925,782 mula Biyernes ng Enero 6 hanggang ngayong Martes, Enero 10.

Mula naman sa Qurino Grandstand sa Luneta Park, nasa 254,653 mananampalataya ang nagtungo para sa “Pagpupugay” na siyang ipinalit sa “Pahalik” sa imahe ng Itim na Nazareno.

Nauna nang naiulat sa isinagawang “Walk of Faith,” madaling araw ng Linggo (Enero 8), na umabot sa 88,000 deboto ang lumahok.

“We have indeed gotten to our target crowd of 2 million… far from the five million total projected during the pre-pandemic ‘Traslacion,’ but double the number during the pandemic Traslacion 2021,” pahayag ni Fr. Earl Valdez, ang Attached Priest ng Quiapo Church.

Sa kabuuang pagdiriwang, maituturing ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier Gen. Andre P. Dizon na naging “matagumpay” ang ilang araw na aktibidad at walang anumang iniulat o naitalang anumang hindi kanais-nais na pangyayari dahil na rin sa inilatag na seguridad at preparasyon sa naturang okasyon.

Hindi naman naging hadlang sa mga kapulisan ang mga naganap na “hostage drama” sa magkahiwalay na lugar sa Tondo at Sta. Ana nitong nakalipas ng Sabado at Linggo habang sila ay naka-antabay sa paligid ng Simbahan ng Quiapo at sa Luneta Grandstand.

Mapayapang natapos ang mga insidente at nailigtas ang mga biktima sa kamay ng mga suspek dahil na rin sa matiyaga at kalmadong pakikipagnegosasyon ng mga kapulisan sa pamumuno nina P/Lt. Col. Rosalino “Jhun” Ibay Jr. ng MPD Police Station (PS) 1 sa Tondo at P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr. ng MPD PS 6 ng Sta. Ana habang nagsilbing ground commander sa kabuuan ang MPD director sa mga nangyaring pangho-hostage.

Nitong Lunes, pinangunahan ni P/Major Gen. Jonnel Estomo, NCRPO (National Capital Region Police Office) chief ang pag-iinpeksyon sa dalawang lugar na pinagdausan ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.

Ayon naman kay P/Maj. Philipp Ines, hepe ng MPD Public Information Office (PIO), ipinaabot ang lubos na pasasalamat ni Dizon kay Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, pamahalaang Lungsod ng Maynila, national government maging sa 14 na mga station commanders sa ginawang paghahanda para sa Pista ng Itim na Nazareno.

AUTHOR PROFILE