Daniel nagpakita na in public, tahimik sa kabila ng bashings

February 19, 2024 Aster Amoyo 155 views

SarahANG successful reunion concert ng `90s popular rock band na Rivermaya na binubuo nina Bamboo Manalac, Rico Blanco, Mark Escueta at Nathan Azarcon na ginanap sa SMDC Festival Ground nung Sabado, February 17, 2024 ay nagsilbing first public appearance ng Kapamilya matinee idol na si Daniel Padilla since his much-talked about break-up with his former girlfriend of 11 years na si Kathryn Bernardo. Kasama ng singer-actor at celebrity endorser ang kanyang nakababatang kapatid (sa mother side) na si Margaret at ilang kaibigan.

Kamakailan lamang ay muling lumagda ng panibagong kontrata si Daniel sa Star Magic ng ABS-CBN, his home studio since 2010.

Sa muling paglagda ng bagong kontrata ni Daniel with ABS-CBN, kasama sa mga gagawin ng panganay na anak ng singer, actress-host na si Karla Estrada ang ilang pelikula at iba pang projects minus his erstwhile screen partner and former girlfriend na si Kathryn Bernardo na huli niyang nakatambal sa mega hit movie na “The Hows of Us” nung 2018 at sa TV series na “2 Good 2 Be True” nung 2022 na siya ring huling serye ng yumaong veteran actor na si Ronaldo Valdez.

Nakatakdang gawin ni Daniel ang “The Guest” na pagsasamahan nila ni John Arcilla mula sa direksyon ni Jerrold Tarog. Nariyan din ang “Nang Mapagod si Kamatayan” with his good friend na si Zanjoe Marudo at pamamahalaan ni Dan Villegas. Naka-linya rin ang kanilang collaboration ng music icon na si Ely Buendia ng Eraserheads. Malamang na magkaroon din siya ng concert this year.

Excited si Daniel sa mga bagong naka-line up na proyekto.

Umano man ng katakut-takot na bashing si Daniel dahil sa paghihiwalay nila ni Kathryn, tahimik lamang ang singer-actor sa aspetong ito although hindi nito maikakaila na mahal pa rin niya ang dating kasintahan.

More star sightings sa Rivermaya concert

RivermayaRivermaya1SAMANTALA, bukod kay Daniel Padilla na nanood ng reunion concert ng Rivermaya, naroon din ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo dahil kaibigan ng huli and lead vocalist ng grupo na si Bamboo Manalac since their days sa “The Voice Philippines”.

Naroon din siyempre ang misis ni Mark Escueta, ang singer, actress at host na si Jolina Magdangal, Bela Padilla at ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kasama si Dominic Roque (na mukhang naka-move on kaagad sa break up nila ni Bea Alonzo). Namataan din doon ang magkasintahang Jane Oinzeza at RK Bagatsing at ang young singer-actor na si Darren Espanto, Kaila Estrada at iba pa.

Naroon din siyempre ang singer-actress na si Maris Racal at nagpakita ng suporta sa kanyang boyfriend, ang singer-songwriter at musician na si Rico Blanco.May bitbit pang banner si Maris kung saan nakasulat doon ang “Rico my Oppa”.

Hindi issue kina Rico at Maris ang malaking nilang age gap. Rico is 50 turning 51 on March 17 habang 26 naman si Maris turning 27 on September 22.

VG Mark bumalik na naman ng Amerika para samahan si Kris

KrisSA kabila ng nakababahalang health condition ngayon ni Kris Aquino na patuloy na nakikipaglaban at nagpapagamot sa Amerika since June 2022, hindi nagbabago ang pagtingin sa kanya ng kanyang present boyfriend, ang Batangas Vice-Governor na si Mark Leviste na kahit may sinumpaang tungkulin sa kanyang mga constituents sa Batangas ay naglalaan ito ng oras to be with his lady love.

Last Friday ay muling bumalik ng Amerika si VG Mark to be with Kris laluna sa kaarawan nito last February 14 na araw din ng mga puso.

Kris and his two sons na sina Joshua at Bimby ay close din kay VG Mark maging sa mga anak nito.

Si VG Mark ang gumawa ng paraan para mabisita si Kris sa Amerika ng mga celebrity friends nito sa Pilipinas na nagpupunta ng L.A. On her birthday, nag-compile si VG Mark ng mga birthday greetings for her which include Gary Valenciano na kinantahan pa siya maging sina Jed Madela, Darren Espanto, KZ Tandingan at Yeng Constantino, Martin Nievera, Melai Cantiveros, Kim Chiu, Erik Santos, JC Buendia, her cousin na si Rina Teopaco, Eric Salud, Sarah Geronimo, Shaina Magdayao, Angeline Quinto, Anne Curtis, Coco Martin, Zsa Zsa Padilla, Darla Sauler, Coco Martin, Ogie Alcasid, Moira de la Torre, at marami pang iba.

For sure, appreciated naman ni Kris ang pagmamahal at efforts na ipinapakita ng nobyo.

Marami rin ang hanga kay VG Mark sa ipinapakita nitong pagmamahal at sakripisyo for Kris sa kabila ng kanilang long-distance love affair laluna sa sitwasyon at health condition ngayon ni Kris.In our recent trip sa Los Angeles, California, USA ay marami kaming nasagap na balita involving some well-known showbiz personalities na ang iba ay hindi namin halos mapaniwalaan.

Isang kilalang female personality nabayaran ng P3M for a one night stand?

ISANG reliable non-showbiz source ang nagbalita sa amin na isa umanong kilalang female personality (who is supposed to be happily married) ang nabayaran umano ng whooping $50,000 for a one-night stand in America and that’s almost P3-M sa Pilipinas.

While the female personality projects a happy and contented wife to her husband and a caring and loving mother to their child, may kakaiba pala siyang shade na mukhang hindi alam ng kanyang mister at anak at ng mga taong nasa kanyang paligid.

Ang nasabing kilalang female personality ay pabalik-balik ng Pilipinas at Amerika kung saan siya gumagawa ng milagro.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE