John

Cristy, nanghihinayang sa pagkakaibigang John-Derek

May 7, 2023 People's Tonight 240 views

HINDI pa rin pala tapos ang hidwaan ng dating matalik na magkaibigang John Estrada at Derek Ramsay.

Ayon sa vlog ng showbiz columnist na si Cristy Fermin, hanggang ngayon ay hindi pa nagkakaayos ang dalawa mula 2021.

Dati nang sinabi ni Derek na magsisinungaling siya kung idedenay niya na may kinalaman ang nangyari kay John at sa misis niyang si Ellen Adarna sa pinagsamahang sitcom, pero “icing on the cake” lamang ‘yon.

‘Yun daw ang nag-push sa kanya na “enough is enough.”

Para naman kay John, to each his own na sila ni Derek.

“Sayang, ‘no? ‘Yung mga ganitong pagkakaibigang bumilang na ng maraming taon na nasisira, nakakalungkot,” sey ni Cristy.

Hangad pa rin daw ng karamihan ang pagkakaayos ng dalawa. Paul Bacon (OJT)

AUTHOR PROFILE