Cristy

Cristy sa demanda nina Sharon at Kiko: Sino pa kaya ang susunod? Si Julia Roberts na?

May 10, 2024 Vinia Vivar 82 views

“Pataas nang pataas ang mga lebel, ha? Talagang tumataas ang lebel ng demandahan, ha? From Sarah Lahbati to Bea Alonzo. Sharon Cuneta na ang kasunod. Sino po kaya ang susunod? Si Julia Roberts na?”

Ito ang pabirong reaksyon ni Cristy Fermin hinggil sa panibagong cyber libel case na isinampa sa kanya this time, mula kay Megastar Sharon Cuneta.

Kahapon nga ay dumulog sa Makati Prosecutor’s Office si Sharon at ang asawang si Atty Francis “Kiko” Pangilinan para maghain ng cyber libel case against ‘Nay Cristy dahil umano sa mga malisyosong statement nito patungkol sa kanyang personal at family affairs.

Ayon kay ‘Nay Cristy sa kanyang online show kahapon, wala pa siyang ibang masasabi hinggil sa pinakahuli niyang demanda.

Pero, naiintindihan daw niya ang pinanggagalingan ng mga taong nagsampa sa kanya ng kaso.

“Basta, naiintindihan natin kung saan sila nagmumula, naiintindihan natin kung saan sila nanggagaling, wala pa po akong masasabi. Wala pa kaming impormasyon na tinatanggap. Basta naiintindihan natin ito. ‘Yan ay kasama po sa ating trabaho bilang mamamahayag,” aniya.

“Sabi ko nga sa mga anak ko, ‘mahiya kayo ‘pag ako’y idinemanda sa pagnanakaw, mahiya kayo kapag ako’y nademanda at kinasuhan tungkol sa human trafficking, ‘pag ako ay nagbugaw at kung anu-ano pa.’ ‘Yun ang dapat nating ikahiya.

“Pero ‘yung ganito – cyber libel, libel cases, kasama po ito sa teritoryo ng pagiging mamamahayag natin. At nauunawaan po natin kung saan sila nanggagaling at nagmumula kung paano dapat din nilang unawain kung ano ang aming trabaho. ‘Yun lamang po ‘yun,” dagdag pa ng beteranang mamamahayag.

Needless to say, tulad din ng mga kasong isinampa sa kanya nina Sarah at Bea, nakatakdang harapin ni ‘Nay Cristy ang demanda ng mag-asawang Kiko at Sharon.

Samantala, sa isang panayam sa mag-asawa, sinabi ng Megastar na hindi rin niya gustong magsampa ng kaso pero naaapektuhan na ang kanyang pamilya.

“It gets to a point kasi na, you know, it affects your children, your family, I’ve lost sleep over it,” sey ni Sharon.

AUTHOR PROFILE