Marian

Paggiling ni Marian namamayagpag sa TikTok

May 10, 2024 Jun Nardo 74 views

UMABOT na sa 100 million likes ang Tiktok ni Marian Rivera!

Of course, ang husay niya sa paggiling at pagkembot ang dalawa sa mga dahilan bukod sa maganda at maamo niyang mukha, huh!

Masipag din kasi sa social media si Yan. Alam niyang parte na ito ng buhay-artista niya kaya palagi siyang may bagong handog sa fans at netizens.

Hindi lang si Tiktok reyna si Yan dahil sa Facebook, 30 million na ang followers niya at sa Instagram ay 13 million, huh!

To think na si Yan, eh, hindi gaya ng ilang personalidad na talagang ‘pag lumalabas, dala-dala ang social media team at kinukunan ang bawat kibot niya.

IKATLONG GALA NIGHT IKINAKASA

NAKU, naghahanda muli ang GMA para sa ikatlong Gala Night na pasasabugin nila sa publiko.

May mga sundot na sa socmed ng GMA sa pagbabalik nito pero wala pang mga detalye.

May isang Sparkle artist na dumalo sa Gala Night. Baguhan siya pero pasabog ang live video na ginawa dahil trending ito at bigla siyang nakilala.

‘Yun nga lang, shortlived lang ang naging kasikatan niya dahil wala pa siyang lead role na ginawa, huh!

AUTHOR PROFILE