PCG

PH, French Navy Balikatan welcome kay PBBM

May 10, 2024 Chona Yu 57 views

BUKAS si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng Balikatan exercise ang French at Philippine Navy.

Ayon kay Pangulong Marcos, malaking bagay ang mga natatanggap na suporta ng Pilipinas mula sa mga kabalikat nitong bansa.

Una nang sinabi ng French Navy noong nakaraang linggo na interesado silang magsagawa ng balikatan exclusive exercises kasama ang Pilipinas.

Ayon kay Pangulong Marcos, nagpapasalamat ang pamahalaan sa ibang mga bansa na handa pa ring tumulong sa Pilipinas sa oras ng pangangailangan.

“Kami nagpapasalamat sa lahat ng mga iba’t-ibang bansa kahit na nanggagaling sa malayo pa ngunit sila handang tumulong sa atin at kapag tayo’y nagkakaproblema, very supportive sila hanggang hindi lamang sa salita kung hindi pati na sa mga tinatawag na joint cruises,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ang mga ganitong inisyatibo aniya ang tumutulong sa bansa upang igarantiya ang freedom of navigation sa West Philippine Sea (WPS).

“Kaya’t napakalaking bagay ‘yan dahil ito lang ang paraan upang magarantiya natin na sa West Philippine Sea patuloy ang tinatawag na freedom of navigation at ang daming dumadaan diyan.

‘Yung tinatawag na global economy umaasa at kinakailangan para ang global economy gumanda, kailangan libre, ligtas ang lugar ng West Philippine Sea,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Malaking tulong ito, ayon kay Pangulong Marcos, sa pagpapanatili ng kapayapaan at stability sa rehiyon.

AUTHOR PROFILE