BBM2

PBBM nag-donates ng P80.9M sa WesMinCom

May 10, 2024 Chona Yu 61 views

AABOT sa P80.9 milyon ang ibinigay na donasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Camp Navarro General Hospital (CNGH), Western Mindanao Command (WESMINCOM) sa Zamboanga City.

Galing ang pondo sa Office of the President.

Si CNGH chief Lt. Col. Giovanni Falcatan ang tumanggap ng tseke.

Gagamitin ang pera sa pagbili ng mga equipment sa operating room, diagnostics, ward, physical therapy, at iba pang equipment.

Ang ospital ay may 50 hanggang 100-bed capacity infirmary-level hospital at tumutugon sa pangangailangan ng mga sundalo, kanilang mga dependents, at mga authorized civilians na nangangailangan ng medical, surgical, at pediatric services sa lugar.

AUTHOR PROFILE