BBM1 President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. distributed a total of PhP110 million in cash assistance to the local governments of General Santos, South Cotabato, and Sarangani Province (PCO)

PBBM namigay ng ayuda sa Sultan Kudarat, GenSan

May 10, 2024 Chona Yu 68 views

BBM2PERSONAL na namigay ng ayuda si Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño sa Sultan Kudarat at General Santos City.

Tig-P10,000 ang ibinigay na ayuda ni Pangulong Marcos sa 30 beneficiaries mula sa Region XII.

Namigay din si Pangulong Marcos ng P10 milyon sa lokal na pamahalaan ng General Santos, P50 milyon sa Provincial Government ng South Cotabato, at P50 milyon sa Provincial Government ng Sarangani.

“Yung ating mga magsasaka, ating mga mangingisda dahil sa ngayon ay nahihirapan sila ngunit ang long-term na plano diyan ay talagang tulungan sila sa pagbigay ng binhi, pagbigay ng ayuda, pagbigay ng pataba, lahat, at pati na ‘yung mga makinarya para sa processing ng…Hindi lamang bigas, kung hindi mais, kung hindi lahat, pati na lahat — ‘yung mga cold storage,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Namigay din ng cash assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), livelihood toolkits at allowance mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at tig limang kilos kilos ng bigas mula sa Office of House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

AUTHOR PROFILE