Denise Laurel

Denise pagod na sa ‘mistaken identity’ issue nila ni Deniece

May 10, 2024 Vinia Vivar 73 views

Pagod na pagod na si Denise Laurel sa pagsagot sa mga netizen na pinagkakamalan siyang si Deniece Cornejo, ang model na sinampahan ng kaso ni Vhong Navarro noong 2014 along with Cedric Lee na kamakailan lamang ay nahatulan ng habang-buhay na pagkakakulong.

Sa Instagram reel na ipinost ni Denise ay makikita ang compilation ng mga mensaheng natatanggap niya mula sa netizens.

May nagtatanong kung nakalaya na ba siya o kung totoo bang nahatulan siya ng life sentence at marami pang tanong na dapat ay patungkol kay Deniece.

Sa caption, sinabi ng aktres na hindi naman siya galit kundi pagod na.

“A lil PSA I’m Not mad, just tired,” aniya.

Nilinaw niya na ang kanyang pangalan ay may ‘S.’

“Its DeniSe. with an Sssss.. the oG yung L yung start ng apilyedo.. just let me be DeniSseeeeeee..,” sey niya,

Pagbibiro pa ng aktres, “I Serve you years of talent not foodz.”

“Di lumalagpas kahit anong live or post may hirit haha i got no issues since birth,” sabi pa ng aktres.

Aniya pa, since 2014 pa nangyayari ang ‘mistaken identity’ na ito sa kanya na nagsimula nga sa controversy nina Vhong at Deniece.

“Enoughs enough. I’ve been a good sport since 2014. Wrong send po kayo since 2014,” saad ng aktres.

Sey pa niya, “Desperate to find the strength to politely laugh for the past 10 million years everytime someone feels like they’re being witty asking why I’m not in jail.”

AUTHOR PROFILE