Kulong

Maiintrigang pangyayari at nag-aalab na sexy scenes tampok sa ‘Lady Guard’ at ‘Kulong’ ng Vivamax

May 10, 2024 Ian F. Fariñas 165 views

Saksihan ang mga nakakaintrigang pangyayari at hulihin ang mga nag-aalab na sexy scene sa Vivamax movies na Lady Guard na palabas na at Kulong, na mapapanood simula May 24.

Sa Lady Guard, isang babae ang masasangkot sa mga kaduda-dudang gawain sa pag-asang magkaroon ng magandang buhay, pero biglang mag-iiba ang takbo ng mga pangyayari laban sa kanya.

Mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr., ito ay kwento ni Estelle (Angela Morena), isang confident pero mabait na security guard sa isang dropshipping warehouse.

Sa likod nito ay isang matinding katotohanan: Nasasangkot siya sa mga illegal na gawain.

Tinutulungan niya ang warehouse supervisor na si Janus (Anthony Davao) na magpatakbo ng isang underground gambling ring sa warehouse pagkatapos ng oras ng trabaho.

Tumatanggap din si Estelle ng sexual at financial favors habang binabantayan at pinapanatiling maayos ang lahat.

Si Meryl (Irish Tan) naman ay ang bagong hire na warehouse guard. Ang inosenteng si Meryl ay hindi makapaniwala dahil matutuklasan niya kung ano ang ginagawa nina Estelle at Janus pagkatapos ng oras ng trabaho.

Upang tiyakin ang kanyang pananahimik, pipilitin ni Estelle si Meryl na sumali. Aakitin siya nito ng mga bagay at benepisyo na maaari niyang makuha kapag sumali siya.

Dahil lumaki sa hirap, papayag si Meryl.

Mabilis na masisilaw si Meryl ng kanyang pagnanais ng mas marami pang kayamanan kaya naman tatraydurin niya si Estelle at ipapatanggal sa trabaho. Pero para kay Estelle, hindi dito natatapos ang lahat dahil hindi siya basta-basta sumusuko.

Sino ang mas mahusay sa larong ito? Isa lamang sa kanila ang pwedeng manalo sa maruming laban na ito.

Alamin kung ano ang mangyayari sa dalawang lady guards sa Lady Guard na streaming na sa Vivamax.

Samantala, tatlong aspiring screenwriters ang magpapakawala ng kanilang alindog sa Kulong mula sa direksyon ni Sigrid Polon.

Gagampanan nina Jenn Rosa, Cariz Manzano at Aica Veloso ang papel ng tatlong magkakaibigan na sina Minerva, Tisay at Aica.

Kahit tinatahak nina Minerva, Tisay at Aica ang kanya-kanyang career, gusto nilang balikan ang kanilang pangarap noong college na makasulat ng isang bigating screenplay.

Isang scriptwriting contest ang kanilang sasalihan at may isang linggo lamang sila para ipasa ang kwento at treatment na kailangang umikot sa temang sexy.

Para makapag-focus sila sa pagsusulat, tumuloy ang tatlo sa isang private resort. Pero hindi pala katahimikan ang kanilang kailangan, kundi karanasan. At ‘yon ang malaking problema. Lahat sila ay clueless pagdating sa sex. Ilang taon na ring single sina Minerva at Tisay, habang virgin pa rin si Love.

Napagkasunduan ng magkakaibigan na akitin ang caretaker ng resort na si Boie (JD Aguas) para makakuha ng “sexperience.”

Ginawa pa nila itong isang kompetisyon – panalo ang makauna at maka-all the way kay Boie.

Bukod kay Boie, papasok din sa eksena ang delivery rider na si Jelon (Ralph Engle) at water delivery boy na si Rom (Ghion Espinosa).

Maging sila ay walang kawala sa pang-aakit ng mga babae.

Sapat kaya ang matitikman nilang “sexperience” para makasulat ng kwentong ipagmamalaki nila?

Magsubscribe na sa Vivamax para malaman ang mga sagot.

Mapapanood ang Kulong simula May 24.

AUTHOR PROFILE