Juday

Juday, bibida sa Monday drama ng Cinema One

May 7, 2023 Ian F. Fariñas 313 views

Iba-ibang emosyon ang ipapakita ng Kapamilya actress na si Judy Ann Santos sa kanyang pagbida sa Cinema One ngayong Mayo habang aarangkada rin ang Mother’s Day movie marathon hatid ang mga pelikulang may kurot sa puso ng bawat pamilya.

Saksihan ang iba’t ibang karakter ni Judy Ann na tumatatak sa mga manonood tulad ng mabuting kaibigan at kapatid na si Abby sa Don’t Give Up on Us (May 8), matapang na babae na si Sabel sa Sabel (May 15), mapagmahal na asawa na si Angie sa Kasal, Kasali, Kasalo (May 22), at mabuting anak na si Mara sa Mara Clara: The Movie (May 29), na mapapanood tuwing Lunes, 7 p.m.

Swak naman para sa selebrasyon ng Mother’s Day ang mga pelikulang hatid ng Cinema One na mapapanood simula Mayo 13 at 14.

Huwag palampasin ang Mama Dito Sa Aking Puso ni Nora Aunor, Ama, Ina, Anak ni Maricel Soriano, A Mother’s Story at Call Center Girl ni Pokwang, Mamarazzi ni Eugene Domingo, Batang PX ni Zsa Zsa Padilla, Way Back Home ni Agot Isidro, Ang Tanging Ina at Ang Cute ng Ina Mo ni Ai-Ai de las Alas, In My Life ni Vilma Santos, One More Try ni Angel Locsin, BFF: Best Friends Forever at Mano Po 6: A Mother’s Love ni Sharon Cuneta, Foster Child ni Cherry Pie Picache at Mama’s Girl ni Sylvia Sanchez.

Samantala, dala naman ng Blockbuster Sunday ang iba’t ibang pelikula na pumatok sa takilya tulad ng Four Sisters and a Wedding ni Coney Reyes (May 15), Everything About Her ni Vilma Santos (May 22) at Ang Dalawang Mrs. Reyes nina Judy Ann at Angelica Panganiban (May 29) na mapapanood tuwing Linggo, 7 p.m.

Available ang Cinema One sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, GSat Direct TV ch. 14 at iba pang local cable service providers.

AUTHOR PROFILE