Bong Revilla

Revilla: Magkaisa, PBBM tulungan

May 10, 2024 PS Jun M. Sarmiento 88 views

NANAWAGAN ang mga senador sa mamamayan na isantabi ang pulitika at tulungan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng napakaraming pagsubok ng bansa na sinasabayan pa ng bantang destabilisasyon.

Para kay Sen. Ramon “Bong” Revilla, dapat magkaisa ang lahat ng mga lingkod bayan sa pagtulong sa ating Pangulo.

“Stop destabilization. Hangad ng Pangulo is to unify the country para makabangon tayong lahat. Tandaan po sana natin na nakasakay tayong lahat sa isang bangka lamang,” ani Revilla.

Ipinaunawa din ni Revilla ang mga pagsubok na kinaharap ng Pangulo tulad ng isyu sa West Philippine Sea, ang kasalukuyan El Nino phenomenon na apektado ang ating mga pananim gayudin ang buong agrikultura ng bansa.

Para kay Sen. Nancy Binay, seryoso si Pangulong Marcos sa kanyang panawagan ng pagkakaisa.

“China is a big and powerful country. We should help him fight the bully. Hindi tama yung tayong mga Pilipino ang nagsasabong sa isa’t- isa.

We should stand behind him and support our own President for what he is fighting for. After all, para sa susunod na henerasyon ang laban na ito ng ating Pangulo,” ani Binay na aminadong seryoso ang isyu ng WPS.

Para kay Sen. Edgardo “Sonny” Angara, ito ang tamang panahon para manawagan sa lahat ng Pilipino na may pagmamahal sa bayan upang hikayatin sila na suportahan ang ating punong ehekutibo.

Umaasa rin si Angara na mabubuksan ang isip ng mga taong nag-iisip ng destablisasyon sa gobyerno dahil banta ito sa seguridad ng bayan.

“Sana hindi totoo kasi parang it’s for all Filipinos who love the country to rally behind the president, kasi may kalaban na tayo sa labas,” ayon kay Angara.