Inton

Spox ng PEATC pinagtanggol ang OIC

May 10, 2024 Zaida I. Delos Reyes 163 views

WALA umanong basehan ang inihaing criminal complaint laban kay Public Estates Authority Tollway Corporation (PEATC) Officer in Charge Dioscoro E. Esteban Jr. ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC).

Ito ang iginiit ni PEATC spokesperson Atty. Ariel Inton kung saan sinabi nito na ang pagsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsman laban kay Esteban ay nag-ugat sa determinasyon ng opisyal na ibigay ang nararapat sa pamahalaan.

“We have not received a copy of the alleged complaint. But we are ready to defend OIC (officer-in-charge) Steve Esteban from any unfounded complaint,” pahayag ni Inton.

Naghain kamakailan ang CIC ng criminal case laban kay Esteban matapos umanong umakto ang mga abogado ng PEATC bilang corporate lawyer sa Court of Appeals sa Petition for Mandamus.

Base sa reklamo ng CIC, hindi daw dapat mga abogado ng PEATC ang kumatawan sa kanila bagkus ang Office of the Government Corporate Counsel.

Para kay Inton, ang mga alegasyon ng CIC ay pawang mga personal na atake kay Esteban.

Paliwanag pa ng tagapagsalita ng PEATC, pinoprotektahan lamang ni Esteban ang interes ng gobyerno.