Posas

Sekyu nangnenok, nanakit, timbog

May 10, 2024 Melnie Ragasa-limena 55 views

NASAKOTE ang isang security guard matapos umanong pagnakawan ang apartelle at manakit ng babae sa Quezon City noong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Lynard Singco na inaresto matapos looban ang Gulod Apartelle sa Quirino highway sa Brgy. Gulod, Quezon City.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director P/Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nangyari ang insidente dakong alas-9:40 ng gabi nang puwersahang kunin ni Singco ang cellphone ng kahera ng establisyimento.

Sinabi ni Nartatez na sinaktan din ng suspek ang 16-anyos na babae bago nahuli ng mga pulis na nagpapatrolya sa lugar.

Narekober sa suspek ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P7,000 at 11 pulgadang kutsilyo.

Inihahanda na ang kasong robbery at physical injuries laban sa suspek.