Default Thumbnail

TATLONG INDIBIDUAL TIMBOG SA HUMAN TRAFFICKING.9 KATAO NASAGIP NG NBI

May 10, 2024 Jonjon Reyes 39 views

NAGSAGAWA ng operasyon laban sa umano’y pinamumugaran ng kalaswaan sa isang Play Girl KTV Bar na matatagpuan sa Tanay Rizal .

Sa isinagawang operasyon tatlo dito ang natimbog ,matapos na positibong itinuturo Ang mga suspek sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division (NBI-HTRAD).

Kabilang sa mga nakilalang mga suspek na sina alyas Webseter ; Creamlyn at John Patrick pawang magkakapatid.

Dahil dito,matapos salakayin ang naturang KTV Bar, siyam na babae ang nairescue sa raid,Ng mga operatiba…

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9208(Anti – Trafficking in Persons Act of 2023) sa inquest fiscal sa Office of the Provincial Prosecutor of Rizal .

AUTHOR PROFILE