Default Thumbnail

BOC handa na sa SONA ni PBBM

June 14, 2023 Vic Reyes 194 views

Vic ReyesKAGAYA nang nakaugalian, abalang-abala na ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa paghahanda sa kanilang mga “accomplishment report” na isusumite sa Malakayang.

Sa mga “accomplishment report” na ito ibabase ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang laman ng kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA).

Ang pangalawang SONA ni Presidente Marcos ay nakatakda niyang i-deliver sa harap ng joint session ng Senado at Kamara de Representante sa darating na Hulyo 24.

Dadaluhan ng mga piling bisita, kasama na ng mga miyembro ng Diplomatic Corps, ang joint session ng Congress ay gaganapin sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Kagaya ng ibang opisina ng gobyerno, ang Bureau of Customs (BOC) ay inaasahang isa-isahin ang kanyang mga ginawa itong unang taon ng panunungkulan ni Marcos.

Sa tingin ng ating nga kababayan, maraming nagawa ang administrasyon ni BOC Chief Bienvenido Y. Rubio para gumanda ang serbisyo sa tinaguriang “snake-infested waterfront.”

Lalo na sa larangan ng revenue collection at paglaban sa ismagling ng illegal drugs at agricultural products.

Inaasahan ng marami na aani ng masigabong palakpakan ang BOC dahil sa kanilang mga record-breaking achievement nitong mga nakaraang buwan.

Dapat “kumpletos rekados” ang isusumiteng report ng BOC sa Malacanang.

Mahirap ng masabon.

Tama ba kami, Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ng Batac City, Ilocos Norte?

***

Matatapos na sa Biyernes, Hunyo 16, ang dalawang linggong World Customs Organization (WCO) Leadership and Management Development (LMD) workshop.

Hosted ng Bureau of Customs, ang workshop na nagsimula noong Hunyo 5, ay ginaganap sa Manila at naglalayong i-maximize ang “management culture within the BOC.”

Pagkatapos ng workshop ay inaasahang mai-enhance ang leadership at management skills ng mga participant na galing sa ibat-ibang opisina ng ahensya.

“The workshop seeks to equip the participants with the necessary skills and knowledge to effectively achieve BOC’s vision and deliver on its strategic objectives,” ayon sa report.

Ang programa ay isang partnership ng UK Customs His Majesty’s Revenue and Customs, WCO at UNCTAD.

Sa loob ng dalawang linggo, “the participants will engage in a variety of interactive workshops, training sessions, and discussions.”

Ang mga ito ay nakasentro “around the philosphy of knowing oneself, managing onself, understanding others, and having a positive impact on others.”

Sa kanyang opening remarks, nagpasalamat si Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa WCO sa kanilang patuloy na suporta sa mga programa ng BOC.

Ang mga programang ito ay naglalayong i-foster ang efficiency at effectivity ng ahensyang nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), ayon kay Commissioner Rubio.

***

Talaga namang napakahilig ng mga Filipino, babae at lalake, sa politika.

Pero tama naman iyan kasi habang pinag-uusapan ang politika ay laging nasa isip ng mga politiko ang kapakanan ng taumbayan, lalo na ang mga mahihirap.

Takot silang gumawa ng kapalpakan dahil alam nilang nakabantay ang mga botante.

At talaga namang matandain ang mga kababayan natin, kabilang na ang mga mahihirap. Alam nila ang ginagawa ng mga “destructive critics.”

Hindi masama ang pumuna sa ginagawa ng ibang lingkod-bayan pero dapat ay para lang mapabuti ang serbisyo at hindi para sirain ang imahe ng ibang matitinong opisyal.

Kagaya ng sinabi ni Pangulong Marcos, ang dapat sa atin ay magtulungan dahil marami tayong problema at challenges dulot ng dalawang taong pandemya.

Walang mangyayari sa atin kung lagi na lang tayong nag-iiringan at nagsisiraan.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan)

AUTHOR PROFILE