Lolit

Lolit may panawagan kay Gabby

May 24, 2024 Vinia Vivar 111 views

Bagama’t masaya ang veteran showbiz writer and talent manager na si Lolit Solis sa pagdalo ng bigating stars, politicians and friends sa nakaraang birthday lunch niya, inamin niyang hindi kumpleto ang kaligayahan niya dahil wala ang kanyang dating alagang si Gabby Concepcion.

“Kahit na very happy ako sa birthday lunch ko mas buo sana ang ligaya ko kung nagpunta si Gabby Concepcion. Talagang ng makita ko lahat ng alaga ko, pumasok sa utak ko na sana dumating si Gabby para kumpleto sila lahat,” ang pahayag ni ‘Nay Lolit sa Instagram.

Kahit nagkaroon ng kontrobersiya sa kanila noon na humantong nga sa paghihiwalay nila, sey ni ‘Nay Lolit, wala naman silang bad blood ni Gabby.

“In fairness, kahit nuon kainitan ng paghihiwalay namin as manager/ talent wala kang narinig na masamang salita between us. At iyon trust ni daddy Rolly Concepcion sa akin hindi nawala. Saka siguro naman maganda na ang mga buhay at career namin plus the maturity na inabot namin kaya dapat kalimutan na ang lahat,” aniya.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si ‘Nay Lolit kay Gabby na kalimutan na nila ang nakaraan at sana’y maging magkaibigan silang muli.

“Kung napanatili namin ni Nanette Medved na maayos ang lahat sa amin dalawa mula pa nuon hangga ngayon, bakit hindi kami magkaka ayos ni Gabby Concepcion. Kalimutan na natin ang nakaraan Gabby, we can be good friends. No bad blood, no dark past. Friends please para bongga. Hope to see and talk with you soon, bongga,” panawagan ni ‘Nay Lolit kay Gabby.

AUTHOR PROFILE