Juday

Juday emosyonal sa pagbibinata ni Lucho

May 24, 2024 Vinia Vivar 101 views

Medyo naging emosyonal si Judy Ann Santos sa pagtuntong sa high school ng anak nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho.

Juday and Ryan’s eldest son is now 13 years old at siyempre, ilang panahon na lang ay binata na talaga ito. Kaya naman naiintindihan namin kung naging senti ang aktres sa bilis ng panahon. Sey nga niya, kung pwede nga lang niyang pigilan ang oras.

“Our boy… now moving up to high school.. as much as i want time to slow down, im also excited to see how your future unfolds…,” mensahe ni Juday sa anak.

“You’re doing a great job my love.. whatever happens.. whatever you decide on for your future.. mom and dad will always be behind you…,” madamdamin pang mensahe ng aktres.

Sinabi rin ng misis ni Ryan kung gaano sila ka-proud kay Lucho for being an honor student.

“We love you soo much… and we are so, so proud of you our honor student,” sey pa ng aktres.

AUTHOR PROFILE