Sunog SUNOG–Ang nasusunog na tindahan ng mga religious relics sa kahabaan ng Oroquieta St, corner Tayuman St. sa Sta. Cruz, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

Tindahan ng mga imahe ng santo sa Sta Cruz nasunog

June 16, 2024 Jonjon Reyes 246 views

TINUPOK ng apoy ang isang tindahan ng mga religious images sa corner ng Tayuman at Oroquieta Sts. sa Sta. Cruz, Maynila noong Sabado.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog pasado alas 8:00 ng gabi sa ikalawang palapag ng tindahan.

Inakyat sa unang alarma ang sunog dahil sa bilis ng paglaki ng apoy dahil gawa sa light materials ang ikalawang palapag ng Perpetual Help Religious Article Center.

Upang hindi na madamay pa ang katabing mga establisyimento, binombahan ng mga fire volunteers ng tubig para maagapan ang posibleng pagtawid ng apoy sa mga katabing commercial establishments.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala. Wala ring iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

AUTHOR PROFILE