Run

Munti 10-k, 5-k fun run tagumpay

June 16, 2024 Edd Reyes 183 views

HINDI kami laos.”

Ito ang sigaw ng mga lumahok sa “Takbo Tatay, Takbo” fun run sa Muntinlupa Sport Center bilang pagdiriwang ng Araw ng mga Ama.

Nagsimula ang fun run dakong alas-5:15 ng umaga na may 10 at 5-kilometrong distance.

Nasungkit ni Carlito Fantilaga ng Brgy. Sucat ang P10,000 cash prize bilang first placer sa 10-kilometrong distance habang P7,000 ang naiuwi ni Erik Medalla na nagwagi sa 5-kilometrong layo.

Bukod sa mga nanguna, tumanggap din ng kaukulang cash prize ang mga nakatapos sa 10 at 5 kilometrong takbuhan.

“Health and wellness ang pino-promote natin kaya nakakatuwa dahil naipakita ng participants ang kanilang strength and perseverance.

Ine-encourage din natin ang kalalakihan at lahat ng Muntinlupeño na magkaroon ng fitness program para mapanatiling malusog at malakas ang katawan dahil kailangan tayo ng ating pamilya,” sabi ni Mayor Ruffy Biazon.

Nagsimulang isagawa ang Takbo, Tatay, Takbo fun run noong 2015 bilang paggunita sa Araw ng mga Ama at pagsusulong ng wastong kalusugan at aktibong pakikilahok sa masayang komunidad.

AUTHOR PROFILE