DA

DA-accredited trucks may toll discount simula June 1

May 24, 2024 Cory Martinez 170 views

MABIBIGYAN ng discount sa toll ang mga trak na may mga dalang produktong agrikultura at accredited ng Department of Agriculture (DA) na dadaan sa ilang tollways sa Luzon simula sa Hunyo 1.

Ayon kay DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr., layunin ng hakbang na mabawasan ang inflationary pressure sa mga produktong pang agrikultura partikular na ang bigas, na naging dahilan para tumaas ang inflation dahil sa mataas na presyo nito.

Pinasalamatan ni Tiu Laurel ang mga operator ng iba’t-ibang tollway sa Luzon sa pagbibigay ng exemption sa mga DA-accredited trucks na magbayad ng malaki sa toll.

Sa pamamagitan ng Agri-Trucks Toll Rebate ng DA, pinayagan ng Toll Regulatory Board, Department of Finance at Department of Transportation sa pakikipagtulungan ng Manila Cavite Expressway, North Luzon Expressway, Subic Clark-Tarlac Expressway, Muntinlupa Cavite Expressway at South Luzon Expressway ang naturang exemption.

“Masaya kami sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at DoTr sa pagbibigay ng toll rebates sa mga trucker.

Makakatulong ang hakbang na ito upang mabawasan ang price pressure sa mga pagkain at maiibsan ang hirap na nararanasan ng mga mamimili,” ani Tiu Laurel.

Idinagdag pa ni Tiu Laurel na patuloy ang ahensiya na hahanap ng paraan upang mapababa ang presyo ng mga produktong agrikultura kabilang na ang pagtulong sa mga magsasaka na mapadami ang ani at mapababa ang presyo.

AUTHOR PROFILE