Apple Source: FB file photo

Kelot nagnenok ng iPhone, iPad, bluetooth, tiklo

May 24, 2024 Jonjon Reyes 71 views

NAPASAKAMAY ng mga barangay tanod ang isang umano’y magnenenok matapos mahulihan ng mga ninakaw niya sa bahay noong Huwebes sa Hippodromo St., Brgy. 629, Sta. Mesa, Maynila.

Nahaharap ang suspek na si alyas Gerald, 33, sa paglabag sa Article 299 ng Revised Penal Code (Robbery In An Uninhabited Place) at Article 327 (Malicious Mischief), ayon sa mga pulis.

Ayon sa report ng Manila Police District Station 8, bandang alas-11:30 ng gabi ng maganap ang pagnanakaw sa naturang lugar.

Bago ang pag aresto,narinig ng mga barangay tanod na nagsisisigaw ang mga tao sa labas ng bahay habang tumatakbo ang isang lalaki na bitbit ang isang plastic bag.

Nakapagresponde ang mga tanod kasama ang isang barangay kagawad at natuklasan ng mga awtoridad na nakulimbat na ng suspek ang mahahalagang gadgets gaya ng Apple iPad 2 (P25,000), Apple iPhone 6s (P20,000), Nokia 3310 (P1,000) at JBL bluetooth speaker (P8,000).

AUTHOR PROFILE