Sumpak File photo ni JONJON C. REYES

Lalaki huli sa sumpak, bala

May 24, 2024 Jonjon Reyes 73 views

NASAKOTE ang 19-anyos na binata ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD)-Moriones Police Station 2 sa Moriones St., Tondo, Maynila noong Biyernes dahil sa pagdadala ng sumpak at bala.

Nakilala ang suspek sa alyas James ng Tondo, Maynila.

Base sa ulat, bandang alas-11:30 ng umaga nang maispatan ang kahina- hinalang kilos ng binata sa naturang lugar.

Doon na siya kinapkapan ng mga awtoridad hanggang sa makitaan ng improvised na baril na may isang bala

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions) ang binata.

AUTHOR PROFILE