Kulong

Akyat Bahay nauwi sa ‘swak selda’

May 24, 2024 Jonjon Reyes 95 views

NAHULOG sa kamay ng mga Barangay Tanod,at Kagawad nf brgy. ,matapos mahulihan ng mga ninakaw nito sa loob ng isang bahay ,huwebes ng gabi sa Hipodrome Street, Barangay 629.,Sta.Mesa Manila.

Dahil dito,nahaharap ang suspek sa alyas “Gerald”33 anyos ,jobless,kaanib ng Bahala Na Gang ( BNG) ng San Jose Del Monte Bulacan.

Ayon sa report ng Manila Police District Station 8,bandang 11:30 ng gabi,nang maganap ang insidente sa naturang lugar.

Bago ang pag aresto,narinig ng mga barangay tanod na nagsisisigaw ang mga tao sa labas ng bahay habang tumatakbo ang isang lalaki na bitbit ang isang plastic bag.

Dshil dito agad naman nakapagresponde ang mga tanod kasama ang isang Barangay kagawad na duty noon

Hanggang sa matuklasan ng mga awtoridad na nakulimbat na ng suspek ang mahahalagang gamit ng biktima.

Base sa ulat ng testigo, nagsisisigaw ang mga tao ,na hulihin nyo yan” sinira nito ang kandado ng bahay ,noong una ay ayaw pang aminin ng suspek na may kaugnayan ito sa nasabing insidente.hangang sa nakita na lamang na tumatakbo ang suspek ,pero kalaunan ay inamin nito sa kabilang Barangay na siya ang nagnakaw sa loob ng bahay..

Dito na natuklasan ng mga brgy opisyal ang mga ninakaw na mga gamit ,kabilang ang
Isang plastic bag na naglalaman ng Apple iPad 2 worth 25,000.00 ,Apple iPhone 6s worth 20,000.00 ,isang Nokia 3310 worth 1,000.00 at isang JBL Flip-4 bluetooth speaker worth 8,000.00

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 299 ng Revised Penal Code ( Robbery In An Unhabited at Article 327 ( Malicious Mischief).

AUTHOR PROFILE