Heart

Heart sa ’di pagrampa sa Cannes: It’s not really my thing… global fashion icon hinimatay sa Milan

May 24, 2024 Vinia Vivar 92 views

Dahil sa hectic schedule at sunud-sunod na trabaho ni Heart Evangelista, hinimatay siya sa Milan.

Ibinahagi ito ng global fashion icon sa kanyang live streaming kahapon, May 24.

Isang netizen ang nagtanong kung kailan naman siya mapapanood sa isang pelikula at sey ni Heart ay hindi niya sure kung makakagawa siya ng movie dahil sa sobrang busy niya ngayon.

“I’m not sure if I’m gonna be able to do a next movie because of some turn of events. I still have to do, you know, I have my work, I will be going to fashion week still, be a bit more picky with the things I need to do like a canned (show),” aniya.

Patuloy pa niya, “A lot of people are asking me about the CANNES Film Festival, I did it before. It’s not really my thing and I feel like I have so much work here.”

Kailangan din daw niyang isipin ang kanyang health dahil nag-collapse na siya sa Milan.

“I have to think about my health. Those of you who don’t (know), nahimatay na po ako nu’ng huling beses sa Milan. Sinundo nila ako sa gitna ng daan after dinner because I was so tired,” kwento niya.

Since then ay nag-iingat na raw siya.

“After that, I just have to make sure that everything is really aligned with what I need to do. I also have a lot of responsibilities now,” she said.

As we all know, kamakailan ay ni-reveal ni Heart that she lost her fourth baby, a boy, this time.

Isang netizen ang nagtanong kung paano niya naha-handle ang lahat at aniya, “It takes a lot for me to cry but when I cry, I really cry. So, I really cried it, and I’m okay.”

AUTHOR PROFILE