Allan

Senate President Sonny Angara?

May 24, 2024 Allan L. Encarnacion 139 views

CONGRATULATIONS muna kay Senate President Francis Chiz Escudero na pumalit kay Senate President Migs Zubiri matapos ang makasaysayang biglaang palitan sa Mataas na Kapulungan.

Hindi kayo namamalik-mata sa titulo ng ating kolum ngayong araw na ito, si Senador Sonny Angara talaga ang aking tinutukoy.

Bago nangyari ang palitan sa liderato ng Senado nitong Lunes, may tatlong beses nang pagtatangka na palitan si SP Migs magmula pa noong January. Kasama sa mga pinagpipiliang maging SP sa tatlong coup attempt ay sina Senador Loren Legarda, Senador Cynthia Villar at Senador Jinggoy Estrada.

Sila iyong matunog sa surface pero may mas matunog sa ilalim. Iyong tatlong magkakasunod na tangka na iyon, wala talagang makuhang numero. Kailangan kasi ng magic 13 para makakuha ng majority at makapaghalal ng bagong SP. Si Migs ay may solid block— sila Senador Nancy Binay, Senador Sherwin Gatchalian, Senador Joel Villanueva, Senador JV Ejercito, Senador Bato dela Rosa at si Senador Angara nga.

Mahirap tibagin ang grupo nila sa totohanang usapan. Pero may mga underground politics na hindi nakikita ng marami kaya may mga lakas na hindi sapat para malabanan ang anumang tangkang kudeta sa liderato.

Ang totoo, kaya hindi nagtatagumpay ang serye ng tangkang pagpapatalsik kay Migs bilang SP bago ang Chiz takeover, may isang taong hindi pumapayag at ayaw maging Senate President—si Senador Sonny Angara nga ang ating tinutukoy. Ayon sa ating source, in a silver platter, ilalapag sa harapan ni Senador Sonny ang Senate Presidency basta pumayag lang siyang palitan si Migs.

Pero kilala talaga si Sonny bilang tru-blue gentleman at tunay na kaibigan ni Migs. Ipinangako niya kay Migs mula pa lamang sa unang araw ng termino ni Migs bilang SP na kahit sino ang mag-alok sa kanya ng posisyon at sa kahit anong sirkumstansiya ay hindi niya ito tatanggapin.

Bago kasi nag-assume ng SP si Migs, si Senador Sonny pala dapat ang uupo dahil siya ang pinakagusto ng lahat ng mga senador noong panahon ng piliian ng SP.

May mga behind the scene talks na hindi ko na lang maisusulat dito na mas lalong nagpatingkad ng ating pagtingin kay Sen Sonny. Ang balita natin, itong huling plano, hindi na isinama si Senador Sonny dahil nga ayaw ng mga instigator na makarating kay SP Migs ang mangyayari nitong Lunes. At alam nilang hindi ito makukumbinsing mag-SP.

Kung usapin ng kuwalipikasyon, super qualified si Senador Sonny dahil unang-una, abogado rin ito at pinanday na ng pagiging senador at kongresista sa mahabang panahon. Sa mga hindi pa nakakaalam, lalo na sa mga milenyal, isa sa matagal na naging Senate President ay ang erpat nitong si Seja or Senador Ed Angara na champion ng edukasyon.

Pero sabi nga, water under the bridge na yan, para sa bayan, kailangan na rin nating suportahan si SP Chiz dahil in al fairness, qualified din ito na isang abogado.

Kung SP Chiz ang magiging instrumento ng pagkakaisa ng lahat ng mga senador at magsusulong ng mga legislative agenda para sa kabutihan ng ating bansa, malaking bagay ito para sa ating mga mamamayan.

Tama rin naman si SP Chiz, kailangan na ring ayusin ang gusot ng Senado at ng House of Representatives para mas madali ang pagsasabatas ng mga importanteng legislation, lalo na ang economic chacha na magbubukas ng maraming foreign investment sa ating bansa.

Gusto nating makita ang warmer at sweeter relationS nina SP Chiz at Speaker Ferdinand Martin Romualdez para kaayusan ng ating bayan.

Honeymoon period muna SP Chiz at Speaker Romualdez!

[email protected]