Doc

Acosta tanggal na bilang MinDA chief

May 24, 2024 Chona Yu 112 views

PINAALIS na sa puwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Mindanao Development Authority (MinDA) Secretary Maria Belen Acosta.

Inilabas ang order ni Pangulong Marcos noong Mayo 22,2024 at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Base sa dalawang pahinang liham, sinabi ni Bersamin na naging epektibo na ang pag-upo sa puwesto ni Secretary Leo Tereso Magno noong Mayo 21 nang nanumpa ito sa tungkulin at ilabas ang appointment paper noong Mayo 13.

Una rito, sinabi ni Acosta na hindi pa opisyal na nabakante ang posisyon ng MinDA chief at wala aniyang basehan ang pagkaka-terminate sa kanya dahil fixed term na anim na taon daw ang kanyang appointment paper na nilagdaan noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa argumento ni Acosta, hindi kailanman nabakante ang MinDA chairmanship dahil hindi naman siya tinanggal sa puwesto at wala namang isinampang anumang kasong administratibo o kriminal laban sa kanya.

Subalit ipinaliwanag ni Bersamin sa kanyang liham na ang chairmanship position sa MinDA ay ‘confidential and policy determining’ kaya’t ‘valid’ ang pagkaka-sisante kay Acosta matapos aniyang mawalan ng kumpiyansa at tiwala sa kanya si Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE