Default Thumbnail

3 Indian nationals sugatan sa aksidente

May 26, 2024 Jojo C. Magsombol 77 views

ANIM ang malubhang nasugatan, kasama ang tatlong Indian nationals, nang bumangga ang sinasakyan nilang van sa poste ng kuryente sa Brgy. Calayo, Nasugbu, Batangas noong Sabado.

Dakong ala-1:00 ng hapon sakay ng puting Nissan Terra (CAQ 5584) ang mga biktima mula sa Las Piñas City papunta sa Pico de Loro falls sa Nasugbu, Batangas.

Pagdating sa kurbadang bahagi ng Brgy. Calayo, nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber at sumadsad sa steel barrier ng kalsada ang van saka bumangga sa Batelec steel post.

Dinala sa Apacible Memorial Hospital ang mga biktima para sa medikal na atensiyon.

AUTHOR PROFILE