Mimaropa

MIMAROPA Meet ’24 nagsimula sa tree planting

May 26, 2024 Jojo C. Magsombol 79 views

NAGSIMULA ang MIMAROPA (Mindoro Oriental, Mindoro Occidental, Marinduque, Romblon at Palawan) Regional Athletic Association Meet ’24 sa Oriental Mindoro Sports Complex sa Brgy. Santiago, Naujan noong Mayo 25 sa pagtatanim ng mga native na puno ng mga delegates mula sa limang lalawigan ng Region 4B.

Higit sa paglalaro at pagkakaisa, pinatunayan ng mga delegasyon ng limang lalawigan at dalawang lungsod ang pagpapahalaga at pangangalaga sa kapaligiran bilang sagot sa climate change.

Pinangunahan ni DepEd Regional Director Nicolas Capulong kasama ang iba pang mga opisyal ang pagtatanim ng mga native trees sa bahagi ng Oriental Mindoro Sports Complex.

Pinangasiwaan ng PG-ENRO at DepEd ang activity na pinamumunuan nina ENRO Maximiano Jumig at Schools Division Superintendent Maria Luisa Servando.

Nakipagsabayan sa pagtatanim ang mga delegasyon ng MIMAROPA gayundin ang mga lungsod ng Puerto Princesa at Calapan.

AUTHOR PROFILE