Droga File FB photo

Kelot may bitbit na P205K droga, tiklo

June 17, 2024 Jojo C. Magsombol 199 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas — Arestado ng mga kapulisan ang isang lalake na may bitbit umano na shabu sa Brgy. Marilag, Rosario, Batangas, ayon sa report ni Batangas police director P/Col. Jacinto R. Malinao, Jr. kay Police Regional Office (PRO) Calabarzon Regional Director P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Rosario Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagkaka-aresto sa suspek na nakilalang si Alyas Bernardo.

Narekober mula sa suspek na tinaguriang high value individual ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 30.20 gramo at may standard na P205,360; isang cellphone, isang P1000 bill na buy-bust money, at brown na supot.

AUTHOR PROFILE