Industry

DA, stakeholders nagtutulungan sa pagpapalago ng palm oil industry

May 26, 2024 Cory Martinez 115 views

PATULOY ang pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA) sa mga stakeholder at pribadong sektor sa pagharap sa mga hamon, pagpapalaganap makabagong ideya at paniniguro sa pagpapaunlad ng palm oil industry sa bansa.

Ito ang tiniyak ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. matapos purihin ang Garcia Refinery Corp. sa pagpapasinaya ng kanilang P600-million palm oil refinery.

Kauna-unahan ito sa Mindanao na maaaring maging instrumento upang lumago pa ang palm oil industry sa bansa, ayon sa kalihim.

“Ang pagpapatayo ng kauna-unahang palm oil refinery sa SOCCSKSARGEN Region pagbibigay-halaga sa potensyal na pagpapalaki at pagpapaunlad ng sektor ng palm oil.

Kakatawanin nito ang matagal ng hangarin ng industry stakeholder na maging dynamic, innovative at self-sufficient na industriya na makapagbibigay ng benepisyo at matatag na suplay ng vegetable oil sa bansa,” ani Tiu Laurel.

Dagdag pa ni Tiu Laurel na hindi lamang imprastraktura ang naturang refinery kundi magbibigay din ito ng pag-asa at oportunidad.

Makakagawa ang palm oil refinery ng mataas na kalidad ng iba’t-ibang produkto ng palm oil tulad ng palm olein, palm stearin, margarine at iba pang produkto para sa local at international na merkado.

Nakipag-partner ang GARECO sa 63 na magsasaka na siyang mamamahala sa may kabuuang 3,065 ektarya ng taniman ng palm oil tree.

Inaasahang mas marami ang supplier ng palm oil nuts dahil mayroon nang 14,000 ektarya ng lupa ang tinaniman ng palm oil trees sa Sultan Kudarat pa lang.

Ayon pa kay Tiu Laurel, itutuon ng ahensya sa pamamagitan ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang pagpapalago at pagpapaunlad ng industry ng palm oil.

Sa katunayan, ani Tiu Laurel, ina-update na ng DA ang 5-year Palm Oil Roadmap bilang suporta sa industriya.

AUTHOR PROFILE