Sunog File photo ni JONJON C. REYES

35 pamilya apektado, 22 bahay nasunog sa Calamba

June 17, 2024 Gil Aman 159 views

UMABOT sa 35 pamilya ang naapektuhan sa sunog na tumupok sa 22 kabahayan Linggo ng hapon sa JC St. Purok 3, Bgy. Lingga, Calamba City, Laguna.

Sa kasalukuyan patuloy na inaalam ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Calamba City police station ang pinagmulan ng sunog na nag-umpisa alas 2:57 ng hapon.

Ayon kay PLT.Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba City police, nagpadala na ang kanilang himpilan ng police assistance at security sa lugar.

Wala namang naiulat na nasaktan sa sunog maging ang casualty na naapula 5:30 ng hapon.

Umabot sa 3rd alarm ang naganap na sunog. Inaalam pa ang damages sa mga properties na karamihan ay gawa sa mga light materials.

Kaagad tumugon ng tulong ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Calamba, Laguna Mayor Roseller Rizal at namigay ng relief items para sa mga unang pangangailangan ng mga nasunugan.

AUTHOR PROFILE