Knife

Obrero grinipuhan habang tulog, utas

May 26, 2024 Gil Aman 88 views

UTAS ang isang construction worker ng undayan ng mga saksak ng kanyang kasamahan habang natutulog noong Sabado sa Cuervo 2, Brgy. Real Calamba City, Laguna.

Ayon sa pulisya, namatay ang biktima dahil sa mga saksak sa katawan.

Sa ulat ni Calamba City police chief PLt. Col. Milany Martirez kay Laguna Police Provincial Director P/Col. Gauvin Mel Unos, kinilala ang suspek na si Alyas Dong at naganap ang pananaksak alas-12:30 ng tanghali.

Sina Nestor Pamplona Torres at Paquito Bustillo Caban ang unang nakarinig ng sigaw ng mga biktima.

Sumilip pa sa butas ang dalawa sa tinutuluyang barracks ng biktima saka inundayan ng saksak ang nagulat na biktima.

Tumakas ang suspek patungo sa Bacnotan Road ng Brgy. Real.

AUTHOR PROFILE