Farmers PARA SA INYO–Nag-thumbs up si Nueva Ecija fourth district Rep. Emeng Pascual (harapan) sa photo-op matapos niyang pangunahan ang payout ng DSWD para sa 2,000 magsasaka ng Cabiao, Nueva Ecija sa Gapan City gym.

Congressman nanguna sa cash payout sa Cabiao farmers

May 26, 2024 Steve A. Gosuico 92 views

GAPAN CITY–Pinangunahan ni Nueva Ecija fourth district Rep. Emerson “Emeng” Pascual ang pamimigay ng cash assistance sa may 2,000 magsasaka mula sa Cabiao noong Biyernes.

Galing mismo sa mga lider ng farmer-irrigators’ associations ang listahan ng mga farmer-beneficiaries na nakatanggap ng cash payout mula sa Department of Social Welfare and Development Assistance to Individuals in Crisis Situation program.

“Sa listahan na pinagawa ko walang nakialam na pulitiko puro mga taga-pangulo ng patubigan at mga magsasaka sa Cabiao ang pinag-asikaso ko.

Uulitin ko ayaw kong gamitin sa pulitika ang mga magsasaka kaya gusto ko nakakaharap ko kayo, kaya gusto ko madalas ako sa Cabiao ayoko kasing masasabi ninyo na si Congressman Emeng naaalala lang kami kapag panahon ng pulitika,” sabi ng congressman.

“Sa totoo lang ang laki ng natalo sa akin sa Cabiao noong nakaraang eleksyon. Apat na libong boto mahigit. Wala akong pakialam dun, kahit hindi n’yo uli ako iboto kahit matalo ako ng 10,000 boto sa darating na halalan,” saad ng dating Gapan City mayor.

Ang mass payout naganap isang araw matapos lumipad si Pascual papuntang Tawi-Tawi para sumama sa grupo na pinamumunuan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño.

AUTHOR PROFILE