Scholar

Scholars sa Batangas tumanggap ng P3K

May 25, 2024 Jojo C. Magsombol 97 views

BATANGAS–PALALAWIGIN pa nina Mayor Beverley Dimacuha at Batangas 5th district Rep. Marvey Mariño ang scholarship program sa lungsod bilang suporta sa mga nangangailangan na mga estudyante.

Ito ang tiniyak ni Mariño sa scholarship allowance distribution na idinaos sa Brgy. Kumintang Ibaba noong Mayo 23.

Mahigit 1,000 college scholars mula sa iba’t-ibang barangay ang tumanggap ng P3,000 sa huling batch ng iskolar na tumanggap ng allowance para sa 2nd semester ng school year 2023-2024.

Nagpaalala ang mayor sa mga iskolar na pagbutihin ang pag-aaral at umiwas sa mga gawaing makakasira sa magandang buhay at kinabukasan.

Sinabi din ni Dimacuha na patuloy ang pagtaas ng bilang ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Batangas City.

Kaugnay nito, nagbahagi ng kaalaman ukol sa HIV si dating Vice Mayor Dr. Jun Berberabe at kung paano makakaiwas sa sakit na iyon.

Nakiisa din sa pamamahagi ng allowance sina Vice Mayor Alyssa Cruz, mga konsehal at ilang dating opisyal ng lungsod.

AUTHOR PROFILE