
Makabagong ‘Kapunero’
SA mga susunod na taon, magkakaroon na ng bagong paraan ng pagkapon sa mga kalalakihan. Masamang balita ito para sa Simbahang Katoliko.
Vasectomy o pagkapon ang karaniwang ginagawa sa mga lalaki para hindi na makapagtayo ng pabrika ng bata or hindi na makapagbato ng 200 million sperm cells para ang isa mga ito ay buhayin ang egg cell mula sa mga babae habang nagtatalik.
Tubal ligation naman kapag ang babae ang pipigilang makapag-produce ng tamang bilang ng egg cell na mape-fertilize ng egg cells.
Condom sa lalaki ang unang naimbento para kontrolin ang pag-aanak noong 18th century. Bago pala naimbento ang condom, ang mga hari at astig noong araw ay gumagamit ng intestine or bladder ng tupa pero hindi maganda ang naging resulta. May mga nalason palang kababaihan kaya sa pag-inog ng panahon ay naimbento ang mga vulcanized rubber condom na kalaunan ay naging latex. Salamat kay Charles Goodyear.
Kung ayaw magpakapon ni mister, si misis ang nagdedesisyong uminom ng pildoras or nagpapatali kung tawagin. Pero sa mga darating na panahon, may lalabas nang bagong “pildoras” para sa mga lalaki.
Isinasailalim na sa masusing pag-aaral ang isang bagong gamot na kung tawagin ay CDD 2807, isa itong male pill na magiging katumbas ng pildoras sa mga kababaihan.
Si Dr. Martin Matzuk, ang reproductive biologist, clinical pathologist at director ng Centre for Drug Discovery sa Baylor College of Medicine sa Texas, USA ang nangunguna para sa pagtuklas at pag-aaral ng bagong male pildoras na ito.
Sinubukan na raw sa lalaking daga ang CDD 2807 at nagpakita ng promising result. Ayon sa ulat, ikinulong ang isang babae at lalaking daga na tinurukan ng gamot. Nakapag-mate silang dalawa subalit hindi nabuntis si Mimi Mouse. Iyong isang pares naman na kasama ni Mickey Mouse na hindi tinurukan, siya namang ang nakabuntis.
Baka naman puwedeng hanapin na natin ang lahat ng daga para turukan nang hindi na dumami ang “mabait” na ngumangatngat ng ating damit?
Pero sa totoo lang, malaking bagay ang ganitong klaseng gamot para sa mga lalaking mahilig mambuntis pero wala namang kakayahang pakainin, pag-aralin at bigyan ng maayos na buhay ang bata. Pasintabi lang po, kapag tumingin ka sa ating paligid, iyong mga walang kakayahan na mag-asawa pa ang sangkatutan ang anak. Iyong may kakayahan, dalawa or tatlo lang ang anak.
Pagkatapos nilang magsilang, bahala na si Batman, kapag nagsimula nang lumakad ang bata, hayun, walang saplot sa katawan, walang tsinelas, napakarungis at pakalat-kalat lang sa kanilang komunidad na labas-pasok ang uhog sa ilong!
Hanggang sa maging ganap nang bata, naroon lang, laman ng kalye kasama rin ng mga kapwa niya bata na pinabayaan din ng mga magulang na lumaboy. Kalaunan, sila pa rin iyong nagiging kriminal. Ang masakit, sila-sila rin ang nagkakagustuhan at nagsisilang din ng bagong bata na susunod din sa kanilang yapak na tambay.
Paikot-ikot na lang ang problema ng lipunan sa pagdami ng mga batang kriminal na kapag nahinog ay nagiging isa nang lider ng iba’t ibang sindikato.
Kaya nga kung puwede lang, ipakapon na ang mga lalaking wala namang planong magtayo ng maayos na pamilya kung hindi rin naman sila iinom ng paparating na pildoras.
Mabuhay ang mga “kapunero!”