Selda

Lalaki inaresto sa selda dahil sa rape

June 16, 2024 Gil Aman 196 views

HINDI na makalabas sa selda ang isang preso na may kasong qualified rape matapos silbihan uli ng warrant of arrest ng Calamba police noong Sabado sa Brgy. Real, Calamba City, Laguna.

Kinilala ni /PLt. Milany Martirez, hepe ng Calamba police, ang suspek na si alyas Angelo na nahaharap sa 2 counts ng rape sa isang menor na batang babae.

Walang inirekomendang piyansa para sa paglaya ng suspek, ayon sa mga pulis.

AUTHOR PROFILE