Yanzi

Yan at Zia, binuhay ang ‘daga’ pose

July 4, 2022 Ian F. Fariñas 287 views

ALIW ang mga netizen sa ipinost ni Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account na bagong litrato ng mag-ina niyang sina Marian Rivera at Zia Dantes doing their “ay, may daga!” pose.

Matatandaan na sumikat ang nasabing paandar ng mag-ina mula sa kanilang pagbiyahe-biyahe abroad nu’ng bago magkaroon ng Covid-19 pandemic.

Sa maikling bakasyon ng pamilya Dantes sa Singapore kamakailan ay nagkaroon ng tsansa sina Marian at Zia na buhayin ang nasabing pose nang mamasyal sa Universal Studios.

Gaya ng dati, mabilis namang nahagip ng lente ng kamera ni Dong ang pakulo ng dalawa na in-upload nga niya sa IG para sa kanilang mga taga-suporta at para pasalamatan ang tumulong mag-facilitate ng muli nilang pagbiyahe sa labas ng bansa.

Caption ni Dong sa Marian-Zia picture, “Traveling abroad again may be a challenge for some especially for families with kids. But with the help of @accesstravelph, things definitely became much easier because of their end-to-end premium service. With basic safety protocols still in place, my girls were finally able to do their ‘universal’ #AyMayDaga pose again, out of the country after years.”

AUTHOR PROFILE