Robin

Robin, pasok sa Marcos movie

July 4, 2022 Ian F. Fariñas 377 views

PUKPUKAN na nga ang shooting ng malalaking artista na kasama sa cast ng maingay at kontrobersyal na pelikula ng Viva Films, ang Maid in Malacañang, para umabot sa target na playdate sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Sa socmed post nga ni Ruffa Gutierrez, sinabi niya na araw-araw ang trabaho nila sa sete at hanggang magdamagan pa.

Gaya ng ipinost nina Ruffa at Maid… director na si Darryl Yap, ka-join na nga sa papalaking cast ang nangunang senador nitong May 2022 elections na si Robin Padilla.

Papel ng isang sundalo ang gagampanan ni Binoe sa Maid in Malacañang habang si Ruffa naman ay si former First Lady Imelda Marcos.

Si Direk Darryl naman, nagsabi sa Facebook na malaking karangalan para sa kanya ang makatrabaho ang malalaking artista gaya nina Robin at Cesar Montano (gaganap bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.) gayung tatlong taon pa lamang siya sa industriya.

Matatandaan na sina Robin at Cesar ay gumanap na sa malalaking proyekto bilang sina Andres Bonifacio at Jose Rizal, respectively, at nagtala rin ng tagumpay sa takilya sa mga pelikulang tulad ng Anak ni Baby Ama at Waway.

Kaya naman ganu’n ang lang ang excitement ng lahat para sa Maid in Malacañang.

Bukod kina Ruffa, Robin at Cesar, nasa cast din sina Diego Loyzaga bilang si Presidente Bongbong Marcos, Ella Cruz (Irene Marcos), Cristine Reyes (Sen. Imee Marcos) at sina Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo at Karla Estrada (bilang mga maid).

AUTHOR PROFILE