Estetika

Dating Viva Hot Babes, ratsada sa pagnenegosyo

July 5, 2022 Ian F. Fariñas 634 views

MULA sa pagiging miyembro ng Viva Hot Babes noong 2005, isa na ngayong successful businesswoman si Rachel Villanueva, may-ari ng Auto Flare at Estetika Beauty and Wellness Clinic na matatagpuan sa Alabang.

Ang hilig sa high end cars at pagiging kikay ang nagtulak kay Rachel na buuin ang naturang mga negosyo.

Kahanga-hanga ang pagpupursige niyang matupad ito dahil kahit college undergraduate, talagang sinikap niyang matapos ang crash course sa Business Administration mula sa Ateneo de Manila School of Business.

Kwento ni Rachel sa grand opening ng Estetika Beauty and Wellness Clinic, kung saan dumalo rin ang partner niyang si Dexter Co at kapwa ex-Viva Hot Babes na si Ella V., “I’m into sales po kasi.

Nag-sales (person) ako sa BMW and Mercedes Benz.

“I wasn’t able to finish college, kasi nga po nag-artista nga po. So nu’ng ano, sabi ko, in the future I want to do business, eh. So I have to study, ’di ba?

So I took up that course in Ateneo.”

Para sa mga nagtataka, shortlived lang ang stint ni Rachel sa Viva Hot Babes dahil nabuntis siya noong 2007.

“And na-in love. Hahaha!” dagdag niya. “After that, I’m with my father, so ’andu’n lang po ako sa kanya. He supported me, ganu’n. Alam n’yo na, parang bum. Sobrang bait ng daddy ko po. Sadly, he passed away already. But he really loved me so much. Lahat ng failures ko in life, my dad was always there for me.”

Isa rin ang daddy ni Rachel sa mga dahilan kung bakit siya tumigil sa pag-aartista.

Aniya, “That’s the reason why ’di ako lumalabas sa mga movie ng Hot Babes. One time I had fhm, binato sa akin ng daddy ko ’yung… side view lang (ang kuha). 2005. Sabi ko, ‘centerfold po ako, daddy.’ ’Di ba? ’Pag ano niya, ‘hindi kita pinalaki para lang maghubad.’ So, ganu’n…”

Isang engineer ang ama ni Rachel. Meron itong construction firm na minsan ding inalok na patakbuhin sana ng anak.

Kaso, wala roon ang puso ng panganay niyang si Rachel. Nasa mga kotse talaga.

So, mula sa komisyon na naipon niya sa pagbebenta ng 30 “aging unit” ng Mercedes Benz, nakaipon siya ng sapat na funds para tuparin ang pangarap na magkaroon ng sariling showroom.

“I was able to sell 30 (aging) units in three months.

Minarketplace ko lang ’yon, ubos lahat. Kaya I’m so happy,” tsika pa ni Rachel na ang pool of clients ay kinabibilangan ng mga businessman, artista, atbp.

Nu’ng nakaraang taon lang niya sinimulan ang Auto Flare na may partnership sa Mercedes Benz at BMW at nitong June naman ang Estetika.

Ang location nito sa Spectrum District, Filinvest City, ay malapit sa Festival Mall Alabang.

“Ang nangyari, this showroom is from Botanica Residences. Nakatayo na siya. ’Pag nagnenegosyo ka, kailangan less cost, tama? When I saw the place, may mga model unit sa likod. Tama ba?

Sayang ’yung space, hindi mapapakinabangan, tinayo ko ang Estetika. ’Yun naman po talagang hilig ko talaga. Mahilig akong… kikay-kikay. Ang Estetika, na-delay lang siya nang konti. Kasi, siyempre, ako po kasi very hands on ako. Talagang down to the last detail, hanggang mga bato-bato ng kuko, ako po talaga ang bumibili lahat para po maganda po ang quality kasi Class A ang target market ko so dapat… ok naman, we’re doing good.”

Plano ni Rachel na mas palaguin ang Auto Flare at Estetika at kasama sa future expansion nito ang branch na itatayo naman sa Quezon City area.

Sa ngayon, wala na siyang balak balikan ang pag-aartista dahil mas tutok na siya sa pagiging businesswoman.

“Mag-i-expand pa ’yan (Estetika), eh. It’s supposedly aesthetics. Tinagalog ko lang para mabilis, ’di ba? So more on aesthetics. Magdadagdag pa ako ng Thermage, tapos in the future magse-surgery na rin ako,” diin ni Rachel.

AUTHOR PROFILE