Job

7 hired on the spot sa SM City Batangas job fair

May 27, 2024 Jojo C. Magsombol 140 views

UMABOT sa 12 kompanya ang lumahok sa job fair ng SM City Batangas at pitong job hunters ang na hire on the spot noong Mayo 25.

Sales clerk, customer assistant at production operator and ilan sa mga trabahong kailangan sa job fair.

Layunin ng fair na makapagbigay ng mga trabaho sa mga mamamayan sa Batangas.

Ayon kay SM City Batangas Mall Manager Gemina Buenaflor, bahagi ang job fair ng weekly job fair ng SM Supermalls.

Sinabi ng kinatawan ni Mayor Beverley Dimacuha at Public Employment Service Office (PESO) Manager Noel Silang na habang tinutulungan nila ang mga job seekers, tinulungan din nila ang mga kompanya na makahanap ng mga kwalipikadong empleyado.

Dumalo bilang kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Batangas ang community facilitator nito na si Ricaela Salazar.

Naisakatuparan ang SM Job Fair 2024 sa pakikipagtulungan sa DOLE-Batangas at PESO-Batangas City.

AUTHOR PROFILE