Aghan

P3B pondo inilaan ni PBBM ipang-ayuda sa mga apektado ng Bagyong Aghon

May 27, 2024 Chona Yu 113 views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may nakahandang pondo ang pamahalaan para ipang-ayuda sa mga apektado ng Bagyong Aghon.

Ayon kay Pangulong Marcos, mayroong P3 bilyong standby funds.

Namahagi na rin aniya ang pamahalaan ng P1.2 milyong halaga ng humanitarian assistance.

Bukod dito, sinabi ni Pangulong Marcos na mayroon na ring mga naka- prepositioned goods at stockpiles, upang masiguro ang mas malawak at mabilis na tulong pamilyang apektado ng bagyo.

“Asahan nating patuloy ang ating mga ahensya sa pagsuporta sa bawat komunidad at pagtiyak sa maayos na kalagayan ng ating mga mamamayan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Personal na tinututukan ni Pangulong Marcos ang sitwasyon sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Inatasan na rin ni Pangulong Marcos ang local government units na maging alert at rumesponde ng mabilis sa mga mangangailangan ng tulong.

Ayon sa Pagasa, lalabas ng bansa ang bagyo sa araw ng Miyerkules, Mayo 29.

AUTHOR PROFILE