VoltesV

‘Voltes 5’ ibabalik ang 1970s

April 19, 2023 Aster Amoyo 552 views

KIDS during the 1970’s must be in their 50’s now when the Japanese action sci-fi 54-episode anime series was aired and stormed the Philippine television making it one of the most successful foreign TV series (for kids) in the country. And for the present generation to appreciate and enjoy, GMA network has decided to produce “Voltes V: Legacy” and put to life the anime and robotic characters. Ito bale ang most ambitious and most expensive series ng GMA na ginastusan ng mahigit P100M.

Ayon sa Vice-President for Drama ng GMA na si Cheryl Ching-Sy, it took them almost a decade of preparation bago nabuo ang “Voltes V: Legacy” from the acquisition from Toei Animation and Sunrise, approval form the top bosses, pre-production and post production, pandemic at iba pang challenges na kinaharap ng buong production. But the wait is over dahil simula sa darating na May 8, 2023, araw ng Lunes, 8 p.m. ay matutunghayan na on Philippine television ang kauna-unahang popular Japanese anime na meron nang totoong taong magsisiganap na pinangungunahan ng lima sa mga shining Sparkle talents na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Radon Flores at Raphael Landicho.

Si Miguel ang gumananap sa papel ni Steve Armstrong, Ysabel as Jamie Robinson, Matt as Big Bert Armstrong, Radson as Mark Gordon at Raphael as Little Jon Armstrong. Bukod sa limang heroes, ang “Voltes V: Legacy “ boasts an stellar cast na tinatampukan nina Dennis Trillo bilang si Ned Armstrong, ama ng tatlong Armstrong brothers; Max Collins as Rozalla, ang humanoid alien at unang asawa ni Ned at si Karla Estrada blang si Mary Ann Aramstrong, ang wife ni Ned sa lupa at ina ng tatlong Armstrong children na tutulong sa kanyang mister na mabuo ang Voltes V.

Ang iba pang bumubuo ng cast ay sina Gabby Eigenmann as Commander Robinson, ama ni Jame at co-designer ng Voltes V at si Albert Martinez bilang si Dr. Smith, ang kasamahan ni Dr. Armstrong na tutulong sa pag-develop ng Voltes V. Ang iba pang mga characters ay ginagampanan nina Martin del Rosario as Zardoz, ang prinsipe ng Boazanian Empire na gustong sakupin ang buong mundo; Liezel Lopez as Zandra ang lover ni Zardoz; Epy Quizon as Zuhi, ang scientist na siyang makakaimbente sa Anti-Super Electromagnetic Device para sirain ang Voltes V; Carlo Gonzales as Draco, the three-horned general na ipinadala sa earth kasama sina Zardoz at Zandra.

Kasama rin sa cast sina Chanda Romero, Christian Vasquez, Ryan Eigenmann, Dion Ignacio, Carlos Siguion-Reyna, Bibeth Orteza, Juan Rodrigo, Mike Lloren, Jamie Wilson, Brent Valdez, Nico Antonio, Khaine de la Cruz, Neil Ryan Sese, Elle Villanueva, Crystal Paras, Jamir Zabarte, Kyle Ocampo, Migs Villasis, Kimson Tan, Sophia Senoron, Julia Pascual, Dave Roque, Joaquin Manansala, Angela Alarcon, Marx Topacio, Kokoy de Santos, Sharmaine Arnaiz, Jon Lucas, Marinella Sheen del Pilar, JR Calinoc, Seth de la Cruz at Steven Canja.

Ang live action series na pinamahalaan ni Mark Reyes ay produced ng GMA Network in partnership with Toei Company Ltd. at Telesuccess Productions, Inc.

Ayon sa VP for Drama na si Cheryl Ching-Sy, may mga inquiries na umano ang ibang bansa para ipalabas doon ang “Voltes V: Legacy,” isang magandang indikasyon na something to look forward to ang ang nasabing serye na binuo at unang sumikat sa Japan bilang action sci-fi anime series at kasunod na rito ang Pilipinas at iba pang bansa.

LOLLOL1‘Tropang LOL’ goodbye na

HANGGANG April 29 (Saturday) na lamang mapapanood ang noontime program sa TV5 na napapanood din sa Kapamilya channel, ang “Tropang LOL” produced by Bright Light Productions ng businessman at dating politician na si Albee Benitez. Ang nasabing programa ay hindi na umabot sa kanilang ikatlong anibersaryo sa darating na October. Nakapag-taping na rin in advance ang bumubuo ng cast para sa final episodes ng programa na pingungunahan na dating mga Kapamilya talents na sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Wacky Kiray at iba pa.

During the final taping ay hindi naiwasan ng cast at bumubuo ng production ang mag-iyakan dahil isang pamilya ang kanilang nabuo sa kanilang dalawa at kalahating taon sa “Tropang LOL”.

Umaasa naman ang tropa na muli silang magkikita-kita at magkakasama-sama in the future maybe in their new `home’ studio.

Si Billy ay nasa pangangalaga ng Viva Artists Management.

When not busy, he spends most of his time with his wife, ang actress na si Coleen Garcia at sa kanilang bundle of joy na si Amari, turning 3 on September 10.

SooSoo1Dalawang magkaiba pero magandang pelikula

DALAWANG magkasunod na pelikula na pareho naming napanood sa press preview ang pareho naming nagustuhan, ang Hollywood movie na “The One True Loves,” isang romantic-drama movie na tinampukan ng Grammy award-winning actress na si Phillipa Soo, best known for her role in the Broadway musical na “Hamilton,” Simu Liu, known for his Marvel movie na “Shang Chi” at ang “Legend of the Ten Rings” at ang Australian actor na si Luke Bracey na naging bahagi ng critically-acclaimed 2022 movie na “Elvis”.

Ang pelikula na dinirek ni Andy Fickman ay base sa libro of same title na sinulat ng The New York Times best-selling author na si Taylor Jenkins Reid and released in the Philippines ng Viva Films International.

Posible kaya ang isang babae ay ma-in love nang husto sa dalawang lalake sa magkaibigang sitwasyon? These two guys are also madly in love with her.

Kakaiba ang twist ng movie. The woman, Emma (Phillipa) is in love with her husband Jesse (played by Luke) at kay Sam (Simu) kung kanino siya engaged.

Emma’s husband Jesse was declared dead sa isang plane crash. Years later, she bumped into her highschool classmate na si Sam na noon pa lamang ay sobra nang in love kay Emma. Nang muling mag-krus ang kanilang landas, Sam was already a music teacher at muling na-rekindle ang pagmamahal ni Sam kay Emma hanggang sa ito’y mauwi sa relasyon at marriage proposal. Just when everything was going smoothly between them, isang surprise call ang natanggap ni Emma galing sa kanyang husband na si Jesse na buhay pala at napadpad lamang sa ibang lugar and took him sometime to resurface. Ano ang gagawin ni Emma who is now torn between her husband and her fiancé?
Panoorin ninyo ang kabuuan ng movie for you to appreciate the entirety of the film which will be shown in theaters nationwide simula sa April 26.

AdikAdik1Ang ikalawang movie na aming napanood in succession ay ang unang tambalan nina JM de Guzman at Cindy Miranda sa pelikulang “Adik sa `Yo” na isa ring romance-drama na dinirek ng Gawad Urian and FAMAS nominated director na si Nuel Naval under Viva Films na mapapanood na sa mga sinehan simula sa araw na ito ng Miyerkules, April 19.

Si Paulo (JM) ay isang drug addict na labas-masok ng rehab habang si Joy (Cindy) ay sobrang addicted sa kanyang pagmamahal kay Paulo sa kabila ng pinagdaan at pinagdadaanan nito. Mag-best friends ang dalawa pero si Joy lamang ang in-love kay Paulo na nainlab sa iba (Meg Imperial). Joy got devastated at dito siya nagsimulang magwala at halos pabayaan ang sarili.

Hindi nag-prosper to a deeper relatationship ang relasyon nina Paulo at ang character ni Meg at doon lamang unti-unting na-realize ni Paulo na mas mahal pala niya ang kanyang best friend who was there for him sa lahat ng panahong nagi-struggle siya sa kanyang buhay. This time, siya naman ang sumagip kay Joy na noo’y pinababayaan na ang sarili.

Si Direk Nuel Naval ang director sa box office hit movie na “Miracle in Cell #7,” an adaptation ng Korean hit movie of same title. Siya rin ang nagdirek ng pelikulang “More Than Blue” at iba pa.

Bukod kina JM, Cindy at Meg, ang “Adik sa `Yo” ay tinatampukan nina Candy Pangilinan, Andrew Muhlach, Nicole Omilio at iba pa.

SUBSCRIBE, lke, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instragram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE