Maja

Bossing Vic at Maja, magsasama sa Kapuso sitcom

April 19, 2023 Vinia Vivar 283 views

MATAPOS pansamantalang magpaalam sa Eat Bulaga, may bagong sitcom na pagsasamahan sina Maja Salvador at Bossing Vic Sotto sa GMA-7.

Si Maja mismo ang nag-announce nito sa kanyang Instagram account kasama ang short video clips nilang dalawa at litrato ka-join si Jose Manalo.

Kung ‘di kami nagkakamali, Open 24/7 ang magiging title nito. Wala pang ibang detalyeng ibinigay ang aktres na malapit nang ikasal kay Rambo Nuñez.

Pero ani Maja, “Panibagong pangarap ko na naman ang natupad! last January nu’ng malaman ko ang balita tungkol sa sitcom…. finally ito na at tuloy na tuloy na! A million thanks Bossing sa tiwala.”

Ang nasabing proyekto ay ipo-produce ng GMA kasama ang M-Zet Productions ni Vic.

Samantala, sa Hulyo nakatakdang ikasal ang four years nang magdyowang sina Maja at Rambo sa isang beach resort.

AUTHOR PROFILE