Joshlia

Julia binalikan ang naging problema ng relasyon kay Joshua

April 27, 2024 Vinia Vivar 110 views

After her failed relationship with Joshua Garcia, aminado si Julia Barretto na marami siyang natutunan when it comes to handling personal affairs.

Noong time kasi nila ni Joshua ay naging open sila sa publiko at dahil nga magka-loveteam din sila onscreen, marami ang nakialam.

“May say lahat. But we were young, okay lang. And then you learn how to take care of your next one,” sey ng aktres sa latest interview niya sa vlog ni Toni Gonzaga.

Isa nga sa mga natutunan niya ay kung paano protektahan ang isang relationship.

“No. 1, basic, don’t overshare. Be protective of your partnership. Don’t let everybody in. An then, young second siguro is don’t be possessive over a person. Just be a partner. Be a supportive partner. Hindi siya ownership pala.

“Kasi when you’re in a relationship with your love team, you feel like you own each other in the relationship and then, even at work. So, parang you both probably don’t feel like you can fly or explore,” mahabang paliwanag ni Julia.

Isa nga rin sa mga napag-usapan nila ang kontrobersiyang pinagdaanan ng aktres noong 2019 na hindi na binanggit kung ano pero obvious na ito ‘yung time na napagbintangan si Julia na third party sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. At that time, 22 years old lang siya.

Nang tanungin kung paano niya ito na-handle, sey ng aktres, hindi na rin niya alam kung paano.

Binanggit naman ni Toni na palaban talaga si Julia para makapag-post ng ganu’n.

“Talagang straight to the point ang pagkaka-address ni Julia,” ani Toni.

Marahil, ang tinutukoy ng TV host ay nang i-address ni Julia ang issue sa pamamagitan ng Instagram post at diretsong pinangalanan si Bea’t inakusahan ng bullying.

“I don’t know Ate Tin if I did that for myself or did it for the people around me like the people who were really hurting for me,” she said.

Pero inamin niya na naka-cause siya ng pain sa ibang tao.

“Personally, I am sure that I had a role in somebody else’s pain, in other people’s pains in the same way that they also have contributed to my pain but I think you know na okay ka na when you already acknowledge na, you know, ‘baka I have a role in this. Baka may shortcomings din naman talaga ‘ko, baka I really did something that hurt somebody,’” she said.

Inamin din niya na talagang nasaktan siya nang mga panahong ‘yun.

Asked kung ano ang naging role ni Gerald nu’ng time na ‘yun, ani Julia, hindi pa sila that time kaya kanya-kanya nilang pinagdaanan ang intriga.

Nang maging sila na ay ibang intriga ang kanilang pinagdaanan at kinaya naman nila itong lampasan.

AUTHOR PROFILE